Pages

Monday, March 28, 2011

To Summarize


Breathe in, and out. In and out. Then a long sigh. A wonderfully stressing semester
came my way. The nightmare of graphs and awfully numerous computations haunted me
once again (Thanks to the traumatic experience in Math11). Write-ups, scripts, and research
papers flooded my workspace.Yet the fun did not wither away. Let me take you through
some of the fun moments this semester.


(At the Palarong UPLB)


(Research for Eng2 at UPD Main library)


(Christmas time; Stripped @CDC)


(Attended the 2011 Gandingan Awards)


(Clearly munching at UPLB Feb Fair)


(Food relay activity for PE1)


And the countless random pictures with friends...


One way or another, no matter how hectic the schedule has been,
it only takes a snapshot and a smile to flush all life's constipation...GONE.

Summer time tweeps. ;)

Wednesday, January 12, 2011

A Short Story

“Toki”



Umaga ng martes, tanghali na si Jared sa eskwela. Napuyat dahil inabot na siya ng madaling araw sa paghahanap ng sources sa iLib para sa kanyang LRP sa Eng2.


Inaantok pang nagtungo ang binata sa mataong PhilCoA upang sumakay ng jeep. Nakahilera ang mahabang linya ng mga “Toki” o jeep na UP Ikot. Unahan ang mga estudyante at mga empleyado sa pagsakay. Rush-hour na kasi.


Sumakay si Jared sa isang lumang jeep na kulay dilaw at kolorum pa, na pang-siyam na tao sa magkabilang upuan. Masikip at puno na, isiniksik ni Jared ang sarili sa kanang upuan.


Sabay abot ng isang malamya at makinis na kamay. “Bayad po”.


Si Riki. Matagal ng hinahangan ni Jared si Riki. Simula pa lamang ng sila ay freshman at naging magka-grupo sa PE1 activity at maging seatmates sa klase ni Prof. Diokno, crush na niya ito. Ngumiti si Riki sa pagkakakita sa isang kilalang mukha.


“Hi Jared, musta na?” tanong ni Riki. Nagulat si Jared at naalala siya ni Riki.


“Ayos lang. Late na. Ikaw?” namumulang tugon ni Jared.


“Ok naman. May exam sa major. Hahaha."


At nag-kwentuhan at nag-kamustahan sila. Naisipang imbitahin ni Jared si Riki na magtanghalian sa Rodic’s at malugod na pumayag si Riki.


Sumapit ang jeep sa Palma Hall.


“Sige, dito na ako.” ani ni Riki. “See you around, GB!.”


At bumaba na nga ang dalaga.


Natutuwa si Jared sa mga nangyari. Umaga pa lamang ay inspirado na siyang pumasok. “Mabuti pa lang tinanghali ako." iniisip ni Jared.

Pagdating sa Benitez Hall ay pumara na si Jared.

Patakbong bumaba si Jared. Ngunit bumusina nang malakas ang jeepney.


“HOY! Bayad mo!" sigaw ng asar na tsuper.


Sa tuwa at kilig, nakalimutan nga pala ni Jared na magbayad ng pasahe. Bumalik siya at ini-abot ang bayad sa driver. “Pasyensya na po.”


“Inuuna kasi ang landi eh.” banat ng driver.


Napasimangot si Jared sabay alis at takbo patungo sa halos isang oras ng pagkaka-late sa klase. At humarurot palayo ang toki.

Tuesday, November 23, 2010

"Pocket Full Of Sunshine"